Abante Tonite Interactive

Papasok na bagyo magpapaulan sa Visayas, bahagi ng Luzon — Pagasa

320

Hindi pa magiging ganap na bagyo sa loob ng 24-oras ang binabantayang Low Pressure Area (LPA) subalit ang hatid nitong ulan ay nakakaapekto na sa malaking bahagi ng bansa.

Ayon sa Philippine Atmospheric Geophysical Astronomical S­ervices Administration (P­agasa) huling namataan ang sama ng panahon sa la-yong 595 kilometro Hilagang-Silangan ng Borongan City, Eastern Samar.

Sinabi ni Pagasa weather forecaster Meno Mendoza na nakakaapekto na ang trough o extension ng bagyo sa Metro Manila, Visayas, CALA- BARZON, MIMAROPA, Bicol Region, Caraga, Davao Region at sa lalawigan ng Aurora.

May hatid ang LPA na kalat-kalat na pag-ulan, pagkulog at pagkidlat kaya nagpaala ito sa mga residente na mag-ingat sa posibilidad na pagbaha gayundin ng landslide.

Samantala inaasahang makatulong ang LPA para madagdagan ang tubig sa Angat Dam. (Tina Mendoza)