Abante Tonite Interactive

Papel ng Cambridge Analytica sa eleksyon sa ‘Pinas, ipinasisilip sa Senado

By
4,056

Hihilingin ni Senador Antonio ‘Sonny’ Trillanes IV sa Senado na magsagawa ng imbestigasyon hinggil sa na­ging papel ng Cambridge Analytica noong 2016 presidential elections.

Ayon kay Trillanes, maghahain siya ng reso­lusyon para magsagawa ng imbestigasyon ang Senado sa mga impormasyon na posibleng nakompromiso ang nakalipas na botohan dahil sa manipulasyon ng British Political Consulting Firm.

Hiwalay anya ito sa ikinakasang imbestigasyon hingggil sa privilege speech ni Senate Majority Leader Vicente ‘Tito’ Sotto III kaugnay sa ilang iregularidad sa eleksyon.

Kung pahihintulutan anya siya ni Senate Committee on Electoral Reforms Chairperson Leila de Lima na bumuo ng sub-committee ay pamumunuan niya ang pagsisiyasat sa usapin sa Cambridge Analytica.

Magiging target ng pag­sisiyasat kung sino ang nagbenepisyo sa panghihimasok ng dayuhang kompanya partikular ang epekto nito sa boto ni Pangulong Rodrigo Duterte.

“Yes definitely kung ano ang ginawa nitong Cambridge Analytica dito sa Pilipinas sa electorate in particular to influence ung outcome ng elections para maiwasan natin ito in the future kasi ngayon mainit na yan, ipinapatawag sila kung saan-saan so papatawag natin itong mga ito,” wika ni Trillanes.