Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Papel ni Castro sa NPA inisa-isa ng dating rebelde

0 192

KINUMPIRMA ng isang dating miyembro ng Communist Party of the Philippines – New People’s Army – National Democratic Front (CPP-NPA-NDF) na si Dra. Maria Natividad Castro, “alias Ka Yammy/Ka Ami/Dok” ay isang miyembro ng rebeldeng grupo.

Sinabi ni dating CPP-NPA-NDF member Gleceria Balangiao, aka Ka-Inday, Liaison Officer ng Rural Missionary of the Philippines – Northern Mindanao Region, sa National Task Force to End Local Communists Armed Conflict (NTF-ELCAC), na si Castro ay isang aktibong member, recruiter, trainer at fundraiser ng CPP-NPA-NDF.

Sinabi ni Balangiao sa NTF-ELCAC na personal niyang nakilala si Castro at ilang ulit silang nagkita mula 2006 hanggang 2009 sa mga meetings at trainings ng NPA fighters sa ‘first aid’ treatment sa sugatang terorista.

“Doon siya nagtatrabaho, nagbibigay ng mga training sa mga community-based area na kontrolado ng NPA,” sambit ni Balangiao.

SM food to go Banner Ad

Dagdag pa nito si Castro ay nagre-recruit ng mga health professionals na sumali sa terrorist movement bilang “medics.” Sinabi pa nitong magaling si Castro na mag-lead at organize.

“Magaling siya sa mga project proposals na ginagamit sa mga community-based (trainings) at paghingi ng pondo sa abroad,” kwento pa ng dating rebelde na sumali sa kilusan pagkatapos niyang maka-graduate sa kolehiyo.

Nasaksihan niya rin daw kung paano nila hinati-hati ang naibigay na pondo mula sa isang European Union organization na pinadala sa komunistang-teroristang samahan.

“May natanggap kaming pondo, at ginagamit ito sa pagsuporta sa mga pangangailangan ng kilusan,” ang sabi niya, gamit ang “60-40” hatian. (PNA/Kiko Cueto)

Leave A Reply

Your email address will not be published.