Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Papikit- pikit

0 188

Ang kagandahan ay nasa mata ng kinauukulan.

Ang makita natin ang linaw at kulay ng ating kapaligiran ay isang aspeto na kung minsan ay binabalewala dahil nandyan lang. Ito ang bintana ng ating kaluluwa sabi ng iba.

Hangga’t magkaroon ng pagkakataon na ito’y mawala, saka lang natin bibigyan ng pansin. Kaugnay dito ay hindi lang ang paningin kundi pati ang kalagayan ng mata at talukap nito.

Ang tanong sa atin ngayong linggong ito ay may kinalaman sa mata.

Mayroong anak ang ating reader na 6 na taong gulang.
Napansin niya na pikit ng pikit lalo na ngayong nagumpisa na magaaral. Hindi naman kumikindat at hindi naman din nagrereklamo.

Napapansin lang ito ng magulang. Ano kaya ito at mabubulag ba sya?

Madaming posibilidad sa papikit pikit na nangyayari sa isang indibidwal, mapa bata o matanda. Masugid na obserbasyon ang ginagawa dahil gusto natin malaman kung ito ay isang habit lamang na di namamalayan o may problema ba talaga sa mata. Lalo na sa panahon ngayon na karamihan ay nakatutok sa kanikanilang mga computer, tablet, o telepono.

Napapagod ang mga mata at nagkakaroon ng eye strain.

Pagpahinga lang ay sapat na nang mawala ang pikit ng pikit. Pwede din naman na napuwing kaya may kasamang kirot din na mararamdaman.

Kung hindi magbago, maaaring ipatingin sa optometrist o ophthalmologist para ma-examine kung mayroong problema sa grado ng mata o error of refraction.
Maaaring near or far sighted, o di kaya may astigmatism.

Related Posts
SM SuperKidsDay Banner Ad

Salamin ang ibinibigay at mapapansin na mawawala ang sintomas.

May iba pang maaaring makita ang mga spesyalista sa mata, gaya ng pagkaduling o pagkabanlag, impeksyon o sore eyes, at mga kundisyong gaya ng glaucoma at katarata.

Napakahalaga ang pangangalaga sa ating mag mata. Isa na dito ang paglimita sa paggamit ng mga devices. Ngunit dahil karamihan ng pagaaral ay virtual, siguraduhing huwag na masyado pang madagdagan ang gamit sa nararapat.

Huwag tuloy tuloy ang gamit din at ipahinga sa pamamagitan ng pagtingin sa malayo kada 30 minuto nang ma-relax ang mga muscles ng mata. Kung nasa labas ay kailangang magsuot ng sunglasses para hindi masyadong pumulandit o mag squint ang mag mata at maprotektahan pa ito sa ultraviolet rays ng araw.

Higit sa lahat, regular na maipatingin ang mga mata nila para kung may problema, maagapan ang mga kumplikasyon nito, kabilang na ang pagkabulag.

Sa totoo lang, kahit 6 na buwan pa lamang ay maaari nang dalhin at ipaeksamin.

Napakaganda ng mundo at ng mga taong nakapalibot sa atin para hindi natin ito makita. Huwag natin balewalain ang ating mga mata.

Hanggang sa susunod! Stay Healthy! Stay safe!

J. RYLAN G. FLORES, MD ay isang orthopaedic surgeon, nutrigenomics practitioner at DNA profiler, fellow ng International College of Surgeons at Philippine Academy of Medical Specialists.

Siya ay matatagpuan sa De los Santos Medical Center. Speaker sa iba’t ibang talakayan (medical man at iba pa, dito at internasyonal).

Isang personalidad sa pelikula, telebisyon, radio (mapapakinggan sa Kalusugan Kakabilib sa DWIZ882 tuwing linggo 11am-12nn) at Doc Rylan Facebook Live tuwing sabado 7pm. Sundan sa twitter@rylanflores, gamitin ang hashtag na #docquestion at Facebook sa Doc Rylan para sa mga komentaryo at katanungan.

Leave A Reply

Your email address will not be published.