Abante Tonite Interactive

Papoging Delgra III

1,548

Medyo may kahirapan itong ipatupad sa dami ng kababayan na­ting can’t afford.

Okay, tumbukin natin.

Sa tagal ng panahon o hanggang matapos ang mga anak ko ng kanilang kindergarten class ay pawang tricycle ang kanilang hatid-sundo mula sa school.

Matagal-tagal na panahon na yaon ngunit sa kasalukuyan, magagarantiyahan ko na marami pa rin ang gumagamit ng trike bilang panghatid-sundo ng mga bata sa school.

Bawal na ito ngayon ayon sa LTFRB (Land Transportation Franchising and Regulatory Board).

Sa pamamagitan ng isang opisyal na liham mula sa tanggapan ni LTFRB chair Martin Delgra III sa Metro Manila Council (MMC), ipinag-uutos nito na ipagbawal na ang mga tricycle bilang transport school service sa kadahilanang hindi umano ito makokober ng mandatory comprehensive insurance.

‘Yan ang rason. At ang mga qualified lamang na mga behikulo ay ang mga sasakyan na gaya ng van, bus, coaster, coach, mini-bus o alinmang sasakyan na nakaharap dapat sa harapan ang mga upuan.

Ang MMC ay siyang bumubuo ng policy making­ body ng MMDA na kinabibilangan ng may 17 mayor ng Metro Manila.

Kung okay naman ito, bakit hindi pa ginawang nationwide ang coverage o scope nito?

Tunay na maganda ang layunin nito.

Ang hindi lang maganda rito ay kung maipapatupad nga ba ito nang tahasan o down to the letter.

Kagaya ng ating nabanggit sa gawing itaas, karamihan pa rin sa ating mga kababayan kahit maging sa Metro Manila pa man, ay hindi lahat can afford.

Kung kaya’t saganang atin, mistulang papogi lamang ito ni Ginoong Delgra, masabi lang na may ginagawa ito sa LTFRB.

Dito lamang sa malapit sa aming tirahan sa Makati partikular na sa F. Benitez Elementary School, 9 out of 10 ay pawang tricycle ang hatid-sundo sa mga bata.

So, ano na?