Abante Tonite Interactive

Paputok ni Harden, Rockets sasalagin ni Mitchell, Jazz

335

Pinaghatian ng Houston Rockets at Utah Jazz ang apat na laro sa regular season, ngayon ay muling magkukrus ang landas sa first round ng Western Conference playoffs.

No. 4 ang Rockets (53-29), kabuntot ang Jazz (50-32).

Parehong mabagal ang umpisa ng dalawa. Nagsimula sa 11-14 ang Houston bago tumapos na 42-15. Ang Utah ay 18-20 bago rumatsada ng 32-12.

Sa pangunguna ni James Harden, nagliyab sa labas ng arc ang Rockets.

Pinakamarami sa kasaysayan ng NBA ang nilista nila buong season.

Pero mahusay dumipensa sa long range ang Jazz, pumapangalawa sila sa team na nagbibigay ng pinakakonting 3s sa isang laro.

Maganda ang tapatan nina Harden at Dono­van Mitchell.

Sa pangalawang sunod na taon, makakatapat ni Mitchell sa first round ang reigning MVP. Noong nakaraan ay si Russell Westbrook ng Oklahoma City ang sinagupa niya.

Tinalo ng Jazz ang Thunder para umabante sa second round laban kay Harden at Rockets.­ (VE)