Abante Tonite Interactive

Para athletes pinag-ingat sa COVID-19 ni Barreto

371

Pinag-iingat ng Philippine Paralympic Committee ang lahat ng para athletes at coaches, tinagubilinang alagaan ang mga kalusugan at iwasang mahawa ng coronavirus disease (COVID-19) pandemic matapos maurong ang 16th Summer Paralympic Games 2020 sa Agosto at ang 32nd Summer Olympic Games 2020 sa Hulyo sa Tokyo, Japan.

Kasabay nito, hiniling ni PPC president Michael Barredo na bigyang pansin din ng local government units at maging ng private sector ang katulad na pagbibigay tulong nito sa mga differently-abled athletes at persons with disability sa bansa nasa kritikal na situwasyon.

“I would like to bring this to the attention of our government officials, LGUs and private sector to provide support as well as access to basic needs of all persons with disabilities, a very vulnerable sector of society,’’ bigkas kahapon ni Barredo.

Sa kasalukuyan tanging ang tulong para sa mga national para athlete at coach na nasa ilalim ng PPC ang nakakakuha ng monthly allowances sa Philippine Sports Commission (PSC).

Inihayag kamakalawa ni International Paralympic Committee president Andrew Parsons ng Brazil ang postponement ng Paralympics na nakatakda sa Agosto 25-Setyembre 6 sa Tokyo kasunod ng Olympics sa Hulyo 23-Agosto 9.

“This is unprecedented. Everything is put on hold so that everyone can focus on their health, family’s well being, and help each other to combat and finally overcome Covid-19,’’ panapos na saad ni Barredo.

Tonite – Wendys Inhouse Ad