Abante Tonite Interactive

Para bawas trapik: Work from home ipatupad na – Palasyo

0 190

May problema man sa traffic o wala, dapat umanong ipatupad na ang batas na naggagarantiyang maaaring makapagtrabaho sa bahay ang isang manggagawa.

Ito ang inihayag ni Presidential Spokesman Salvador Panelo sa harap na rin ng nararanasang kalbaryo at konsumisyon ng maraming commuters sa pagpasok sa trabaho araw-araw.

Sinabi ni Panelo na dahil batas na ang telecommuting o work from home law, marapat lamang na ipatupad na ito.

Karamihan sa makikinabang sa work from home ay ang mga nagtatrabaho sa business process outsourcing o BPO sector.

“Telecommuting – work from home. Kaya nga may batas na, eh di i-implement na natin. Since may batas, dapat i-implement. Whether it’s time or not eh batas iyon eh, i-enforce natin,” ani Panelo.

Batay sa ulat, marami pa ring empleyado sa Metro Manila na nagtatrabaho sa BPO ang hindi pinapayagang magtrabaho sa bahay kaya pumapasok pa rin sa opisina kahit nahihirapan sa biyahe dahil sa matinding trapik lalo na kapag inabutan ng rush hour. (Aileen Taliping)#