Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Para ligtas sa COVID: Mag-bike, lakad na lang

0 107

Iginiit ng Department of Health (DOH) kay Pangulong Rodrigo Duterte ang pagtatatag ng mas maraming bicycle lane at walking path bilang alternatibo para hindi magsiksikan sa mga pampublikong sasakyan na mitsa ng pagkalat ng coronavirus.

Sinabi ni Health Secretary Francisco Duque III kay Pangulong Duterte na malaking kabawasan sa peligro ng publiko ang paggamit ng bisikleta bilang alternatibong transportasyon habang maganda sa kalusugan ang paglalakad at makaiwas sa maraming tao sa mga pampublikong sasakyan.

Nakasaad aniya sa panuntunan para sa tamang paggamit ng transportasyon sa panahon at pagkatapos ng COVID-19 pandemic ang pagtatatag ng cycling at walking path. Hiniling din ng kalihim sa mga lokal na pamahalaan ang kooperasyon para maipatupad ang kautusan upang masiguro ang ligtas na biyahe ng mamamayan ngayong pandemya. (Aileen Taliping)

Leave A Reply

Your email address will not be published.