Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Para maka-absent sa trabaho, empleyado nag-alibi na nakidnap

0 86

Kalaboso ang isang 19-anyos na lalaki matapos magsinungaling at gawing excuse na nadukot siya para hindi pumasok sa trabaho.

Ayon sa media release ng Coolidge Police Department (CPD) sa Facebook, inamin ng lalaki ang “kidnap me” para hindi pumasok sa pinagtatrabahuhan sa Arizona, USA.

Natagpuan ng mga awtoridad si Brandon Soules na nakabusal ng bandana malapit sa isang water tower noong Pebrero 10.

Sabi ng CPD, naitawag pa sa kanila ni Soules na dalawang lalaking nakamaskara ang dumukot sa kanya, pinalo siya sa ulo kaya nawalan siya ng malay.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Inikot-ikot daw siya habang nasa loob ng sasakyan bago iniwan kung saan siya natagpuan ng mga awtoridad.

Pero nadiskubre sa imbestigasyo na gawa-gawa lang ni Soules ang kuwento at walang nangyaring kidnapping.

Sa ginawang interogasyon ay inamin umano ni Soules na nag-imbento siya ng kuwento para magkaroon ng excuse sa pag-absent sa trabaho.

Bunga nito, inaresto siya noong Pebrero 17 dahil sa “false reporting”. (Issa Santiago)

Leave A Reply

Your email address will not be published.