Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Para makabangon turismo: P10B ng TIEZA ibigay sa DOT

0 253

Panawagan ni Cagayan de Oro Rep. Rufus Rodriguez sa bicameral conference committee na isailalim sa realignment ang P10 bilyon pondong nakapaloob sa proposed Bayanihan To Recover As One Act or Bayanihan 2 para sa pagtulong sa sektor ng turismo.

Giit ni Rodriquez sa halip na ilaan ang pondo sa Tourism Infrastructure and Enterprise Zone Authority (TIEZA) ilaan ito sa Department of Tourism (DOT) para sa pagtulong sa sektor ng turismo.

Hindi umano ang imprastruktura ng TIEZA ang higit na nangangailangan ngayon ng tulong kundi ang mga stakeholders sa tourism industry na direktang tinamaan ng coronavirus pandemic.

SM food to go Banner Ad

“It is these workers we need to give priority to in allocating public funds for the tourism sector, not to more road projects leading to faraway tourist destinations. Many of these projects do not have an immediate economic impact unlike direct assistance to tourism stakeholders and their employees,” ayon kay Rodriguez sa isang statement.

Paliwanag ng solon, sa house version ng panukala, ang pondo para sa ilalim ng tourism sector ay inilaan sa TIEZA at hindi sa DOT taliwas sa bersiyon ng Senado.

Suportado ng ‘Tourism Congress of the Philippines’ na binubuo ng mga may ari ng resorts, travel agencies at iba pang tourism-oriented businesses, ang bersiyon ng Senado.(Eralyn Prado)

Leave A Reply

Your email address will not be published.