Para mapabilis ang deployment ng 120 cell site Globe, MMDA lumagda sa kasunduan

505

Lumagda ang Globe Telecom sa isang kasunduan sa Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) para mapabilis ang deployment ng mahigit sa 120 cell site sa mga pangunahing lansangan sa Metro Manila. Kaugnay ito sa pagsisikap ng kompanya na lalo pang mapalawak ang wireless network coverage at mapagbuti ang internet experience ng mga customer.

Ang groundbrea­king agreement ay magbibigay-daan para ma­kapagtayo ang Globe ng maliliit na cell antenna sa mga pangunahing lansangan sa Metro Manila, kabilang ang EDSA, Roxas Boulevard, C5, at Congressional Avenue.
Nilagdaan nina Globe President and CEO Ernest Cu at MMDA Chairman Danilo Lim ang kasunduan sa Globe headquarters saTaguig City.

“Securing various permits for the construction of telco infrastructure such as cell sites has long been a major challenge of the industry. We want to thank MMDA for sharing our vision of a connected Philippines by allowing us to deploy sites faster thus impro­ving mobile experience at the heart of Metro Manila,” wika ni Cu.

Sa ilalim ng kasunduan ay makapagtatayo ang Globe ng cell sites nang hindi na dadaan pa sa regular circuitous approval process, na kinabibilangan ng ave­rage na 25 permit mula sa local government unit (LGU) at tatagal ng walong buwan para makuha.

Tonite – Wendys Inhouse Ad
Comments
Loading...