Abante Tonite Interactive

Para mas tumindi ang kampanya kontra iligal na droga SAF isama sa mga drug raid — Eleazar

184

Upang mas lalong tumindi an crackdown ng gobyerno laban sa iligal na droga, nirekomenda ni Police Lt. General Guillermo Elea­zar na isama ang Special Action Force (SAF) sa mga drug buy-bust lalo na sa mga high value target o mga big time drug lord.

Ayon kay Eleazar, Philippine Nationa­l Police (PNP) chief Directorial Staff, na kung integridad ang pag-uusapan ay walang kukuwestiyon sa mga SAF commando.

“I firmly believe that you (SAF commandos) are the most qualified unit to run after big-time drug lords. The discipline, the brave­ry and the integrity you have make you the most qualified warriors that President Duterte has been looking for to finally finish off the illegal drugs problems in the country,” paha­yag ni Eleazar sa kanyang speech sa pagtatapos ng anim na klase sa iba’t ibang commando courses kamakailan.

“As members of the police elite force, you are PNP’s last bastion of integrity. The kind of discipline that you have been molded into, the warrior that was brought out from each and every one of you, and the tried-and-tested integrity that your senior has shown make you the worst nightmare of drug lords,” dagdag pa ni Eleazar
Malaking bagay umano ang mga SAF commando sa aspetong operasyon kontra sa iligal na droga at ipapamahala na lang sa Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) pagdating sa intelligence aspect.

Dagdag pa ng opis­yal na kung siya ang tatanungin, mas magiging agresibo ang kampanya ng gobyerno kontra sa iligal na droga kung SAF commandos ang hahabol sa mga ito subalit ipapaubaya umano niya kay Pangulong Rodrigo Duterte ang desisyon dahil ito ang kanilang commander in chief.

“Illegal drugs are threat to nationa­l security and drug lords are the worst ene­mies of the State. So the President is right, this is already a war,” saad pa ni Eleazar.

Matatandaang una ng sinabi ng Pa­ngulo na gusto nito na tutukan ng anti-narcotics unit ng gobyerno o ng susunod na PNP chief maging agresibo at habulin ang malalaking drug lords na nag-o-ope­rate sa bansa.(Edwin Ba­lasa)