Abante Tonite Interactive

Para saan ang tokwa?

By
2,977

‘Pag sinabing tokwa ay lagi itong iniuugnay sa baboy. Tokwa’t baboy ‘ika nga nila at masarap itong iterno sa umuusok na lugaw.

Bukod sa baboy, ano nga ba ang benepisyo sa kalusugan ng pagkain ng tokwa o tofu sa Ingles?

Ayon sa World’s Healthiest Foods, ang tofu ay mayaman sa protina. Kadalasan itong ipinapalit ng mga vegetarian sa pagkain ng karne. Ang 4-ounce block ng tofu ay mayroong 9.16 grams ng protein. Sa kabuuan ay nagtataglay ito ng sari-saring nutrisyon na nakabubuti para sa isang tao at sa kalusugan nito.

Ang tofu ay gawa mula sa nabuong gatas ng pressed soybeans. Mayroon itong gelatin texture at walang taglay na sariling lasa.
May tatlong klase ng tokwa. May firm, may soft at may silken tofu.

Related Posts

Ang firm tofu ay may solid texture at nagtataglay ng mataas na fat content. Okay itong gamitin sa grill at ­baking.

Ang soft tofu ay may malambot na texture at mas mababa ang fat content. Mabisa naman itong alternatibo sa itlog at creamy cheese gaya ng ricotta at cottage cheese.

Ang silken tofu naman ay mas creamier kumpara sa soft tofu at puwedeng gawing pampalapot sa soup.

Kalimitan itong ginagamit ng ilan bilang pamalit sa mayonnaise.

Kadalasan itong ini­hahain sa ­Japan na nilalagyan lamang ng soy sauce ngunit sa atin ay patok bilang tokwa’t baboy alinmang sa tatlong uri nito.