Abante Tonite Interactive

Paraan para mawala ang balakubak

4,055

julius-segoviaKating-kati ka na ba sa hindi maalis-alis na balakubak? Marami ta­laga ang namomroblema kung paano mawawala ang balakubak. Dulot nito’y pangangati ng ulo na may kasama pang flakes na buo-buo. Kung minsan, wa epek na ang mga anti-dandruff shampoo. Tipong nakailang palit ka na ng brand, pero nariyan pa rin ang balakubak.

Posibleng hindi hiyang sa’yo ang ilang sangkap ng gamit mong anti-dandruff shampoo. Sa totoo lang, mahal at medyo mabigat sa bulsa ang mga anti-dandruff shampoo. Kung hindi rin naman pala effective sa’yo, bakit hindi na lang subukan ang ilang natural na paraan sa paggamot ng balakubak?

Hindi lang para sa tinapay ang baking soda. Puwede rin itong gamitin na pang-alis ng ba­lakubak. Hindi mo iha­halo sa shampoo ang baking soda. Sa halip, hindi ka gagamit ng shampoo. Basain ang buhok at i-massage ang baking soda sa scalp lalo na sa parte na mara­ming balakubak. Papatayin nito ang fungi na sanhi ng dandruff.

Puwede ring maka­tulong ang apple cider vinegar. Sa tindi ng acidity level nito, hindi mabubuhay ang fungi. Ihalo ang isang kutsa­ritang apple cider vinegar sa isang tasang tubig. Ila­gay ito sa pang-spray at i-spray sa ulo. Iwan ng 10-15 minuto sa ulo, saka banlawan.

Ok din na pang-alis ng balakubak ang coconut oil. I-massage ito sa iyong scalp. Hayaan ng hanggang isang oras sa iyong ulo, bago maligo.

Gaya ng apple cider vinegar, kaya ring mapuksa ng lemon ang fungi na sanhi ng ba­lakubak. Ipahid sa iyong scalp ang katas ng le­mon. Patagalin ng ilang minuto bago banlawan.

May anti-microbial ingredient ang bawang kaya mabisa rin itong pang-alis ng balakubak. Durugin ang bawang para makuha ang katas nito at saka ipahid sa iyong scalp. Patagalin din ng ilang minuto bago banlawan. Tiyakin lang na walang lakad dahil masyado itong maa­moy sa ulo.

Ang sa akin lang, ipasuri pa rin ang iyong kondisyon sa dermato­logist o sinumang eksperto sa balat lalo na kung hindi pa rin mawala-wala ang iyong balakubak.