Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Parak na COVID-19 positive ginamot sarili, tsugi

0 81

Isang pulis ang pumanaw din sa COVID-19 dahilan upang umabot na sa 72 ang kabuuang bilang ng nasawi sa hanay ng Philippine National Police (PNP).

Ayon kay PNP chief Gen. Guillermo Eleazar, isang 42-anyos na pulis na may ranggong staff sergeant at nakatalaga sa Agusan del Norte ang pinakabagong binawian ng buhay dahil sa COVID-19.

Imbes na magtungo agad sa ospital ay sinubukan muna umano nitong gamutin ang sarili na tinuturong da­hilan upang lumala ang sakit nito.

Base sa ulat ng PNP Health Service, Hunyo 14, madaling mapagod at nahi­rapan sa paghinga ang biktima.

Hunyo 16, nagtungo siya sa kampo. Doon ay nagsuob siya at nagpamasahe sa isang massage therapist subalit kina­bukasan ay lumala ang kalagayan niya kaya dinala sa ospital at doon sumailalim sa swab at lab test.

Hunyo 19, lumabas na positibo siya sa COVID-19. Namatay ang biktima Hunyo 20, pasado alas-2:00 ng hapon habang sumasailalim sa endotracheal intubation. (Edwin Balasa)

Leave A Reply

Your email address will not be published.