Abante Tonite Interactive

Parak nireklamo ng 2 estudyanteng hinuli

By
4,905

sang pulis ang inaresto ng kanyang mga kabaro makaraang ireklamo ng dalawang babaeng estudyante sa Pasay City kamakalawa ng gabi.

Kinilala ni Senior Supt. Noel Flores, hepe ng Pasay City Police, ang pulis na si PO2 Felicisimo Sales Jr., 34-anyos, naka­talaga sa Parañaque City Police.

Batay sa reklamo ng mga estudyante na ang isa ay itinago sa pangalang ‘Lizel’ dahil menor de edad pa, 15-anyos, at Nursima Isnalin, 23, parehong residente ng Pasay City, bigla na lamang silang inaresto ng nasabing pulis sa hindi mabatid na dahilan.

Abante Hiring – IT dep

Nang magpumiglas umano ang dalawa ay nagpaputok ng baril paitaas si Sales.

Samantala, sa imbestigasyon ay sinabi ng pulis na hinuli niya ang dalawa dahil umano sa pagdadala ng iligal na droga pero tumakbo ang mga ito dahilan para mag-warning shot siya.

Narekober mula sa pulis ang isang kalibre .40 baril at nakakuha rin ng isang basyo ng bala nito sa pinangyarihan ng insidente.

Isinailalim na sa inquest proceeding si Sales sa Pasay City Prosecutor’s Office para sa kasong alarm and scandal at grave threat pero patuloy pa ang isinasagawang imbestigasyon ng pulisya sa nasabing insidente.