Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Parak tinalo, 2 kawatan tiklo

0 113

Minalas ang dalawang magnanakaw matapos na mahuli ng kanila sanang bibiktimahin na pulis pala.

Ayon sa pahayag ng Calasiao Police Station, naaresto sina Rafael Macasieb at Jeric Gabriel, kapwa residente ng Barangay Calbeg, nang tangkaing nakawan si Police Cpl. Lawrence Ocampo.

Nakapang-sibilyan si Ocamo habang nagpapahingan sa gilid ng kalsada sa Barangay San Miguel nang bigla siyang lapitan ng dalawang suspek na lulan ng motorsiklo.

Dito na naglabas ng patalim si Macasieb, habang sinubukan naman ni Gabriel na kunin ang sling bag ni Ocampo.

Ngunit hindi nagtagumpay ang mga suspek matapos makabunot ng bala ang pulis at agad na inaresto ang dalawa.

Narekober sa suspek ang dalawang pakete ng hinihinalang shabu, patalim at isa pang kutsilyo mula kay Gabriel.

Kakasuhan ang dalawang suspek ng attempted robbery at paglabag sa Republic Act 9165 o angComprehensive Dangerous Drugs Act of 2002. (RP)

Leave A Reply

Your email address will not be published.