Abante Tonite Interactive

Paralympian Dumapong nagpasalamat

195

Nagpasalamat si Para powerlifting veteran Adeline Dumapong-Ancheta sa Philippine Sports Commission (PSC) sa pagbibigay ng all-out support sa kanyang pagiging atleta sa nakalipas na panahon pati na rin sa paglahok sa nalalapit na 10th ASEAN Para Games PH 2020.

“Malaking bahagi ang PSC sa buhay ko. Kung bakit ako nabigyan ng pagkakataon na makapag-compete sa iba’t ibang international competition,” sabi ng 46-anyos na para athlete, na nagsimula sa powerlifting noong 1997.

Ang PSC ang sumuporta sa career ni Dumapong-Ancheta.

Mula sa kanyang dating P27,000 monthly allowance, ang multi-titled Para powerlifter ng bansa ay mayroon na ngayong monthly salary na P36,000 simula noong Abril 2018. (Lito Oredo)