Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Paramihan ng panukala

0 270

Ngayong linggo na raw iaanunsyo ang magiging kapalit ni retired PNP Chief Archie Gamboa, ayon kay Interior and Local Government Secretary Eduardo Ano.

Kaya marami na ang lumulutang na pangalan at siyempre hindi nawawala ang maagang pagwasak ng pagpipilian.

Sa social media nga ay may patikim ng deskripsyon sa mga pinapipiliang PNP chief. Kanya nga lamang napaka-nega ng deskripsyon sa isa sa mga kandidato.

Huwag naman sana sablay ang ipalit kay Gamboa dahil napakaraming pagbabagong kailangang ipagpatuloy sa PNP.

Maliban sa pagbabago ay nangangailangan ng seryosong pagbangon sa imahe ng PNP na patuloy na namamantsahan dahil sa ilang isyung kinulapol sa mga pinuno nito lalo na ngayong panahon ng pandemya.

Ibigay sana sa matino at karapat-dapat ang pamumuno ng PNP.

***

Tuwing natatapos ang regular na sesyon sa Kongreso ay naglalabasan ang mga isinumite at sinwerteng nakapasang mga panukala ng mga mambabatas.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Kadalasan ito ang ginagamit na sukatan ng pagiging epektibo ang isang mambabatas sa Senado man ito o sa Kamara.

Katulad na lamang ni 1-Pacman Party-list Rep. Mikee Romero na napag-alaman nating nakapaghain ng 700 bills at nakapag-akda ng 46 Republic Act simula noong 2016.

Sa dami ng kanyang naihaing bills ay kinilala ito bilang isa sa best-performing solon sa Kamara.

Karamihan sa mga naaprubahang bills nito ay ang ‘Bayanihan to Heal as One Act’

partikular ang pagpapalawig sa sampung taon ng passport validity, Free Tuition Fee law, National Commission of Senior Citizens Act, Universal Health Care Act at Tax Reform for Acceleration and Inclusion Act.

Ang 46 Republic Acts namang iniakda nito ay ang extension ng driver’s license validity to five years, Philippine Qualification Framework, free irrigation act, occupational safety at health standards act, electric cooperative emergency act, tougher anti-hazing law, Philippine sports training act, Universal Health Care Act at mandatory Philhealth coverage sa lahat ng PWDs.

Ang kongresista na kilala ring sportsman ay nangakong maglalatag ng sariwang mga ideya at maghahain ng mga panukalang magbibigay benepisyo sa mayoyr ng mga Filipino lalo na ang mahihirap.

“This is just to underscore 1-Pacman Partylist’s advocacy to effect an efficient public service, particularly during these uncertain times,” ayon kay Rep. Romero na ang performance ay magpapamalas ng bagong anyo ng pamumuno.

Leave A Reply

Your email address will not be published.