Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Paranaque City Mayor’s Office binigyan ng safety seal

0 46

Ginawaran ng safety seal certification ang Parañaque City Mayor’s Office ng Department of Interior and Local Government (DILG) makaraang makapasa sa health and safety protocol laban sa COVID19.

Ang safety seal ay sinelyuhan ni DILG director John Visca at nasaksihan ni Mayor Edwin Olivarez.

Ayon kay Olivarez, ang tatak ng kaligtasan na natanggap ng kanyang tanggapan ay patunay na malinis at ligtas itong puntahan ng mga tao dahil sa mahigpit na pagsunod sa pamantayang pangkalusugan.

Personal na ininspeksyon ni Olivarez ang lobby ng city hall, Business Permit and Licensing Office (BPLO), Treasurer’s Office, Assessor’s Office at Office of the Senior Citizens Affair (OSCA) upang matiyak na nasusunod ang mga protocol para maiwasan ang pagkalat ng virus habang patuloy ang serbisyo-publiko ng lokal na pamahalaan.

Kailangan aniyang maging ligtas sa virus ang buong munisipyo dahil sa patuloy na pagdagsa ng mga taong nagbabayad ng buwis lalo na ang mga matatandang residente na bumibisita sa city hall.

Hinimok niya ang mga pinuno ng ibang tanggapan na gawing kaaya-aya at ligtas ang lugar ng kanilang trabaho para sa mga residenteng magsasagawa ng transaksyon sa gitna ng pandemya.

Leave A Reply

Your email address will not be published.