Abante Tonite Interactive

Paranaque gov’ t: Diskriminasyon sa mga frontliner may katapat na kaso

1,772

Sinumang gagawa ng anumang uri ng diskriminasyon laban sa mga medical at non-medical frontliner sa panahon ng public health crisis sa tulad ng nararanasang coronavirus pandemic, ay mahaharap sa kasong kriminal at administratibo.

Ito ang babala kahapon ng lokal na pamahalaang lungsod ng Paranaque matapos magpalabas ng Executive Order No. 27 si Mayor Edwin L. Olivarez na nagsasabing , “prohibiting any form of discrimination against medical and non-medical front liners and persons infected, under monitoring or investigation due to the COVID-19 situation.”

Ayon kay Mayor Olivarez ,ang city health office ay nakatanggap ng mga ulat hinggil sa pagtanggi na isakay ang mga frontliner sa public trasport at pagpapa-alis sa kanilang inuupahang lodging houses at apartment sa takot na makahawa sila.

“Dapat nating tratuhin ang mga frontliners na modern-day heroes dahil malaki ang kanilang naging contribution sa kasalukuyang public health crisis,” ani Olivarez.

“We need to protect them (frontliners),” aniya pa sa Paranaque Police na arestuhin at sampahan ng kaukulang kaso ang sinumang matutukoy na gumagawa ng diskriminasyon sa healthcare workers.

Nakasaad sa Executive Order, na labag sa batas ang tatanggi na makakuha ng serbisyo ang isang frontliner na ang programa ay available naman sa publiko.

Hindi rin dapat na pagbawalan na makapasok ang frontliners sa public markets, supermarkets, groceries, bakeshops, at convenience stores.

Paglabag din kung ang frontliners ay tanggihan o paalisin sa mga paupahang lodging house, apartment , motel , hotel, inn , dormitory at iba pang katulad na lugar sa dahilan na siya ay isang frontliner.

Kabilang din sa makakasuhan ang sinumang magsasalita o magpo-post ng slanderous at abusive statements na nag-uudyok ng diskriminasyon laban sa mga ` persons under investigation or monitoring’ o mga frontliner’.

Anumang aksiyon ng sinuman sa diskriminasyon na nagpapababa ng dignidad , makasisira, manliliit o magbabalewala sa pagkatao at karapatang legal ng isang PUM, PUI at frontliners ay makakasuhan.

Una nang nanawagan noong Sabado si Health Undersecretary at Spokeperson, Dr. Maria Rosario Vergeire sa local government units (LGUs) na magpasa din ng ordinansa tulad ng Manila City Ordinance No. 8624 o Anti-COVID-19 Discrimination Ordinance of 2020 na nagbibigay ng proteksiyon at pagpapahalaga ang healthcare workers.(Armida D. Rico)

Tonite – Wendys Inhouse Ad