Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Paranaque handang mangutang ng P1 bilyon para sa COVID vaccine

0 57

Handang humiram sa bangko ang lokal na pamahalaan ng Paranaque para makabili ng COVID-19 vaccine at para mabukunahan ang lahat ng lehitimong residente ng lungsod, ayon kay Paranaque City Treasurer Anthony Pulmano.

Kasalukuyan, ayon kay Pulmano, mayroon nang inilaan ang administrasyon ni Mayor Edwin Olivarez na P250 million pondo ngayong 2021 para pambili ng vaccine kung ito ay dumating na sa bansa at mayroon na sa merkado.

Nasa 300,000 residente ng lungsod ang mababakunahan ngayong taon kapag nakabili ng vaccine ang lokal na pamahalaan mula sa iba’t-ibang pharmaceutical company mula sa abroad.
.
Bukod sa P250 milyong pondo para sa pagbabakuna, ang pamahalaang lungsod ay magkakaroon ng karagdagang P1 bilyong pondo sa “stand-by” na plano nitong hiramin mula sa Landbank of the Philippines, ayon kay Pulmano.

SM food to go Banner Ad

“Dapat wala nang maiwan. Lahat ng residente ng lungsod, mahirap man o mayaman, dapat mabakunahan hanggang sa 2022,” sabi pa nito.

Sa nakaraang limang taon, aniya, ang pamahalaang lungsod ay hindi nagkakaroon ng anumang utang mula sa anumang mga institusyon o bangko matapos na ganap na mabayaran ang utang ng nakaraang administrasyon.

Idinagdag pa niya na kahit ang Paranaque ay hindi kasama sa mga lungsod sa Metro Manila na nagpakita ng pagtaas ng kaso ng COVID-19 sa nagdaang tatlong linggo, ang mga residente ng lungsod ay dapat pa ring protektahan mula sa anumang virus kasama na ang bagong coronavirus variant na nagmula sa United Kingdom.

Leave A Reply

Your email address will not be published.