Abante Tonite Interactive

Parañaque satellite office sa Pagcor Entertainment City

0 152

Bago matapos ang taon ay sisimulan na ang kontruksyon ng may 2,434 square meters na satellite office ng Parañaque City sa loob mismo ng Pagcor Entertainment City.

Ayon kay Parañaque City Mayor Edwin Oli­varez walang gagastusin ang lungsod sa itatayong satellite office dahil solo itong gagastusan ng Anchor Land Holdings bilang bahagi ng kanilang nilagdaang public-private partnership for the Special Investment District (SID).

“The Satellite City Hall is basically an office building and the project will be a new land mark in this part of the city. Under the agreement, the PPP project will have a period of 50 years, renewa­ble for ano­ther 25 years’ at ALHI’s option,” paliwanag ni Olivarez.

Abante Hiring – IT dep

Ang lupa umano ay tatayuan ng 9-story satellite office kung saan ang apat na palapag ay para sa city government kung saan magkakaroon dito ng extension ang Business Permit and Licensing Office gayundin ang Assesors Office upang hindi na maging mahirap sa mga nego­syante ang pag-a-apply ng permit habang ang limang palapag ay ipaparenta ng ALH.

The project will bring value to the city’s pro­perty. It will create jobs for city residents,who may be employed by the various businesses that will lease space at the commercial area,”giit pa ng alkalde.

Giit pa nito na habang palaki nang palaki ang negosyo sa lungsod ay malaki ang panga­ngailangan na magkaroon ng satellite office upang hindi lamang sa main city hall ang transaksyon.

Ang Entertainment City ang tinuturing na Las Vegas-like gamin­g and entertainment complex sa Parañaque, iln sa mga hotel at casino na nag-o-operate dito ay ang Solairem City of Dreams at Okada. (Armida Rico)