Abante Tonite Interactive

Parañaque village sinakop ng mga Chinese

1,013

Umaalma na ang mga residente ng Moonwalk Village sa Parañaque sa pakiwari nilang pananakop sa kanilang lugar ng mga Intsik na milya-milya na ang layo sa West Philippine Sea.

Naglabas ng flash bulletin ang Phase 1 Moonwalk Residents Association Inc. (PH1MRA) na naglalahad ng pangyayari noong July 1 ng alas-11:35 nang gabi kung kailan 170 na Intsik ang bumalandra sa mga kalye ng residential subdivision.

Ayon sa flash bulletin, mga unre­gistered Chinese worker ang nakatira sa mga bahay sa Aldrin, E. White at J. Young streets sa Moonwalk, Parañaque ang nagpupumilit pumasok sa Phase 1.

Ang mga unregistered Chinese worker pa ang tumawag sa pulis para makapasok sila sa Phase 1.

Ayon sa report rumesbak pa ang mga ito sa iba pang mga Chinese worker na nakatira sa malapit na Multinational Village para sumali sa kanila kaya’t umabot sila sa 170 at tanging ang pitong mga gwardiya lamang ng PH1MRA ang pumipigil sa kanila.

Tatlong oras nagtagal ang girian at iringan at natigil lang ito nang pumayag ang PH1MRA board na makipagpulong sa kanila.

Sabi ng Flash Bulletin, ang mga lessor pa ang nagpupumilit na papasukin ang mga Chinese dahil karapatan daw nila iyon kahit matagal na nilang nilalabag ang mga panuntunan ng subdivision.

“OUR STAND, as supported by your overwhelming “YES” response to the survey, and by the provisions of our by laws, and will be: NO STAFF HOUSES, NO WAREHOUSE, ETC. SINGLE FAMILY OCCUPANCY ONLY,” sabi sa Flash Bulletin.

Naunang nagpa-survery ang home­owners association kung papayagan o hindi ng mga ang pagpapatira sa mga Chinese sa lugar. (Eileen Mencias)