Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Paras, 2 pa may ibubuga – Racela

0 394

Wala nang hahanapin si coach Nash Racela sa tatlong rookies na pinik-ap ng Blacwater sa PBA Draft noong March 14.

“Ito ‘yung mga bata na palaban,” ani Racela sa Power & Play ni Noli Eala nitong Sabado. “Mahilig mag-hustle. They don’t just think about their offense, so two-way palagi.”

Mapapakinabangan aniya sa magkabilang dulo ng court sina Rey Mark Acuno, Joshua Torralba at Andre Paras, na bago nag-ECQ ay nakapirma na ng kontrata sa Bossing.

Nawalan ng Mac Belo dahil sa Baser Amer trade mula Meralco, papasak sina 6-foot-7 Acuno at 6-4 Paras sa frontcourt.

“Both are young bigs, utility guys,” huling bahagi ng pahayag ng coach. “They could give you different things.”

Guard naman si 6-2 Torralba, inaasahang magiging back up ni Baser sa backcourt kasama sina Paul Desiderio at Diego Miguel Dario.

Unang selection ng Bossing sina Acuno at Torralba, magkasunod sa Nos. 14 at 15 overall (second round). Nalibre si Paras sa third round (27th), hindi na rin pinakawalan ng Dioceldy Sy franchise ang anak ng nag-iisang Rookie-MVP ng PBA na si Benjie Paras.

Wala pang bagong petsa ang 46th PBA Philippine Cup 2021 sa Yanres Center sa Antipolo. (Vladi Eduarte)

Leave A Reply

Your email address will not be published.