Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Paras, 3 pa reresbak

0 147

Paghihimagsik ang mga sigaw nina Kobe Lorenzo Paras, Bobby Ray Parks Jr., Dwight Ramos at Javier Joaquin Gomez De Liano, at ang kanilang mga kampo sa pagpapatuloy ng 6th Japan B.League 2021-22 regular round ngayong Sabado sa iba’t ibang playing venue.

Babalikwas si Paras at ang nasa pang-22 puwesto o kulelat na Niigata Albirex BB (2-24) sa 23 kabit na kamalasan kontra sa nasa png-15 Shinshu Brave Warriors (10-16) ni Matthew Aquino sa City Hall Plaza Aore Nagaoka sa Niigata sa alas-4:05 ng hapon.

Tatayo si Parks at nasa pang-anim na Nagoya Diamond Doplhins (18-8) sa 88-81 loss laban sa Shimanee Susanoo Magic sa pakikipagtuos sa dayo, nasa pang-13 Levanga Hokkaido (11-15) sa alas-2:05 ng hapon sa Dolphins Arena sa Nagoya.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Igaganti rin ni Ramos at nasa 16th spot na Toyama Grouses (10-18) ang 80-64 defeat sa Akita Northern Happinets sa pakikipagtagisan sa 11th-running SeaHorses Mikawa (14-12) 2:05 p.m. sa Wing Arena Kariya sa Aichi.

At ayaw ni De Liano at ng nasa 19th place Ibaraki Robots (5-21) na maging apat ang paghandusay sa pagsalpok sa balwarte sa Adastria Mito Arena sa Ibaraki sa nasa pang-10 Hiroshima Dragonflies (16-10) sa 1:05pm.(Ramil Cruz)

Leave A Reply

Your email address will not be published.