Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Paras, Brill tatalbugan mga erpat

0 427

Dalawang second generation players ang muling magpapakitang-gilas sa PBA.

Nakuha sina Andre Paras at Louie Brill sa PBA Season 46 virtual Draft sa TV5 studios sa Mandaluyong nitong Linggo.

Si Paras, 25, ang 27th pick overall ng Blackwater – third overall ng Bossing pagkatapos nina Raymark Acuno (13th) at Joshua Torralba (14th) sa second round.

Nakababatang kapatid ni Kobe Paras si Andre, ang ama nilang si Benjie Paras ang nag-iisang Rookie-MVP ng PBA.

Mainam na rebounder si Andre, halos double digits ang caroms bawat laro sa AMA Online Education Titans sa PBA D-League. Naglaro rin siya para sa Chooks to Go Pilipinas noong 2017 FIBA Asia Challenge Cup.

Ginamit ng NorthPort ang 26th pick (third round) kay Brill. Ang ama ni Loren na si Louie Brill ay dating player ng Northern Cement Consolidated, ang national team noong ‘80s.

Sasamahan na rin nina Jerrick Ahanmisi at Kenneth Mocon ang mga kapatid nilang sina Maverick at Javee sa pro league.

Tenth pick ng Magnolia si Jerrick mula Adamson Soaring Falcons, 29th selection ng Rain or Shine si Kenneth buhat sa San Beda Red Lions. (Vladi Eduarte)

Leave A Reply

Your email address will not be published.