Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Paras diyeta, Niigata taob

0 90

Hindi sapat ang ginapas ni Kobe Lorenzo Paras na 6 points, 3 assists at tig-2 rebounds at block shots para bumulagta ang Niigata Albirex BB kontra SeaHorses Mikawa, 58-81, sa 6th B.League 2021-22 elims sa Niigata City East Sports Center sa Honshu, Japan Biyerne ng gabi.

Maging 18 markers, 7 boards at 6 feeds ni Rosco Allen, at ang tig-11 pts. nina Kimitake Sato at Tshilidzi Nephawe sa pang-apat na sunod nang pagbulagta ng Niigata para sumalampak sa pangkalahatang 2-5 ang baraha.

Bumida naman si Masashi Nagano para sa SeaHorses na umangat sa 5-2 at maging patok patungo sa rematch ngayong Sabado ng alas-4:05 nang hapon (Manila time). (Janiel Abby Toralba)

Leave A Reply

Your email address will not be published.