Abante Tonite Interactive

Paras garahe sa unang laban

525

Maraming fans ang nagtaka nang ‘di maglaro si UP Fighting Maroon rookie Kobe Lorenzo Paras sa opening game kontra FEU Tamaraws sa 82nd UAAP men’s basketball tournament 2019 nitong Miyerkoles sa Smart Araneta Coliseum.

Nagtamo si Paras ng sprained right ankle injury sa practice ng Fighting Maroons nitong Lunes.

“I’m hoping. Regardless if he’s 100 percent but he really needs to feel the game already, even in limited minutes. It was just a minor sprain, but I don’t want to risk it also. Right now he needs to feel the game, I think we have a week of rest after that. He has to be ready for the games to come,” litanya ni coach Dolreich ‘Bo’ Perasol.

Ganun pa man, wagi ang Diliman-based dribblers kontra sa mga taga-Morayta, 61-55, para sumama sa three-way tie sa early lead kasama ang host, two-time defending champion Ateneo Blue Eagles at Sto. Tomas Growling Tigers.

“Wala pa si Kobe Paras n’yan. Ito na yung hinihintay na second coming ng mga superstar sa UP. The team is not just about Kobe Paras. #NoWhereButUP #sUPer6” tweet ni ahyejacinto (@ahyejacinto).

“Just wondering what would have been UPs score if Kobe Paras played. Congrats to

@upfight on their first win. Keep the spirit burning.” reaksyon ni franz (@franzrh).

Iba naman ang napansin ni Yvatte (@madamninay) “Grabe yung sigawan ng UE girls kanina nung lumabas si Kobe Paras. Di pa yun naglalaro ah pano pa kaya kung maglaro yun.”

Sunod na makakaharap ng UP ang UST sa Sabado. (Janiel Abby Toralba)