Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Paras hanep sa rebound

0 721

Pangunahing armas ni 27th overall pick Andre Paras sa paglalaro ng basketball ay ang mala-halimaw sa rebounding, namana niya ito sa kanyang amang si PBA legend at two-time Most Valuable Player (MVP) Benjie Paras.

Kaya naman bilib sa kanya ang premyadong coach ng Barangay Ginebra Gin Kings na si Tim Cone. “He has a big rep as a big-time rebounder. Rebounders always excite me. I always get excited having rebounders on the team. I think they’re very hard to groom. Rebounders are more natural,” saad ni Cone.

Pero hindi nakuha ng Ginebra si Paras sa nakaraang rookie draft dahil pinili nila si Ken Holmqvist.

Kaya nagkaroon ng tsansa ang Blackwater na mahugot si Paras bilang No. 27 pick. (Elech Dawa)

Leave A Reply

Your email address will not be published.