Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Paras ‘hinog’ na – Herrera

0 84

Kung si AMA University coach Mark Herrera ang tatanungin, ‘hinog’ na para sa Philippine Basketball Association (PBA) ang anak ni basketball legend Venancio ‘Benjie’ na si Andre Nicholas Paras.

December 21 nang ideklara ni Paras ang pagpapalista para sa 36th PBA Rookie Draft 2021 na gaganapin sa darating na Marso 14.

Tatlong taong nakasama ni Herrera ang 25-year-old, 6-foot-4 cager sa AMA Online Education Titans matapos ang maikling panahon nitong paglalaro para sa University of the Philippines. Nakapag-PBA D-League (PBADL) at Maharlika Pilipinas Basketball League (MPBL) ang manlalaro.

SM SuperKidsDay Banner Ad

“Ready na ready na si Andre para sa PBA,” litanya ng basketball tactician Huwebes.

Hinirit pa niyang “almost all-around” player din foward.

“Solid na player si Andre at masuwerte ang makakakuha sa kanya,” panapos na wika ni Herrera. (Janiel Abby Toralba)

Leave A Reply

Your email address will not be published.