Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Paras inawat mga basher ni Sotto

0 79

Hindi na nakapagtimpi pa at binuwelthan ni dating Gilas Pilipinas member Kobe Lorenzo Paras ang mga bumatikos kay National Basketball Association (NBA) prospect Kai Zachary Sotto.

Inilabas ng University Athletic Association of the Philippines (UAAP) star mula sa University of the Philippines Fighting Maroons, sa Twitter ang kanyang saloobin sa mga bumibira sa 18-year-old, 7-foot-3 Pinoy cage phenom.

May anim na araw nang nakabalik sa United Sates ang Las Piñas native baller upang makapiling ang Team Ignite na kumakampanya sa ongoing 20th NBA G League 2021. Pero malamang nan aka-quarantive pa siya.

SM food to go Banner Ad

Naudlot ang debut niya saGilas Pilipinas o national men’s basketball team sa kinansela sa bansa at Doha, Qatar na 30th International Basketball Federation (FIBA) Asia Cup 2020-21 Qualifiers nitong February 18-22.

“I will not tolerate any Kai Sotto slander,” giit ng 23 taong-gulang, 6-6 ang taas, tubong Quezon City at naglaro sa Pinoy quintet sa Asia Cup Qualifiers second window noong November sa Manama, Bahrain sa kanyang tweet nitong Linggo.

“Instead of talking bad about him and his handlers, why not wait for the final word? Why not just support him and his dreams no matter what? Most of y’all opinions don’t matter My guy is 18! How foolish y’all look talking bad about a teen” dagdag pa ni Paras. (Janiel Abby Toralba)

Leave A Reply

Your email address will not be published.