Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Paras, Niigata binawian Kyoto

0 114

Sampa sa win column si Kobe Lorenzo Paras at ang Niigata Albirex BB sa 6th B.League 2021-22 eliminations nang maungusan ang Kyoto Hannaryz sa rematch, 76-75, sa City Hall Plaza Aore Nagaoka sa Japan Linggo ng hapon.

Pambawi ito ng Pinoy import at team niya makaraang tumilapon sa nasabi ring kasalpukan nitong Sabado lang, 81-85.

Pero bumuslo lang ang 24 na taong-gulang at 6-6 ang taas na forward mula sa Quezon City sa pagkakataong ito ng 10 points, malayo sa debut game niyang 25 markers.

Nanguna sa opensa ng Albirex BB sina Rosco Allen at Yuto Nomi na umiskor ng tig-16 para parehasan ang rekord ng biktima sa 1-1 win-loss.

Sunod kay Paras at Albirex ang Ferdinand ‘Thirdy’ Ravena III-led San-Ex NeoPhoenix (1-1) sa Oktubre 9. (Janiel Abby Toralba)

Leave A Reply

Your email address will not be published.