Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Paras, Niigata yuko sa Tokyo

0 95

Kinapos ang 13 points ni Kobe Lorenzo Paras para bumalandra ang Niigata Albirex BB kontra Alvark Tokyo, 78-79, sa 6th Japan B.League 2021 eliminations sa Arena Tachikawa Tachihi sa Tachikawa City, Japan Miyerkoles ng gabi.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Lugmok ang Albirex sa sixth-straight loss para sa 3-6 slate kahit kumayod si Rosco Allen ng 28 markers at bumakas din si Tshilidzi Nephawe ng 13 pts.

Sunod na toka kay Paras at Niigata ang Ryukyu Golden Kings sa darating na Nobyembre 6. (Janiel Abby Toarlba)

Leave A Reply

Your email address will not be published.