Abante Tonite Interactive

Paras nilusot ang UP sa Adamson

575

eskapo

Pakitang gilas si Kobe Paras para sa UP Fighting Maroons nang agawan ng panalo ang Adamson Soaring Falcons sa overtime, 83-82, sa 82nd UAAP seniors basketball tournament 1st round elims Linggo ng gabi sa SM Mall of Asia Arena, Pasay.

Bumida si Paras sa kanyang debut game ng 20 points, 6 rebounds, 2 blocks at tig-1 assist at steal, nakatuwang sina nina Bright Akhuetie at Jun Manzo sa 5-minute extra period sa pangitil na 8-0 run tapos malubog sa pito sa final 2:22 sa game.

Natapos ang regulation play sa 73 all, pero lumayo ang ADU 82-75 bago ang atake ng State U na tinampukan ng free throws ni reigning MVP Akhuetie para sa pang-ungos, 83-82, at akyat ng UP sa third sa 2-1 win-loss record,.

“There was a almost a lost opportunity for us, but my players just like Kobe (Paras), Bright (Ahkhuetie), David (Murrel), James (Spencer) anybody out there, they just not give up,” suma ni Diliman-based coach Bo Perasol.

Nakatapos si Akhuetie ng twin-twin job 18 pts. at 18 rebs., 2 stl., at tig-ast. at blk., at si Juan Gomez de Liaño ay umiskor ng 12 pts., 5 rebs., 4 ast. at 2 stls. Si Javi Gomez de Liano ang nagpa-OT nang matapos ang setup play ni Paras sa kanya.

“I’m happy, I’m really happy,” sabi naman ni Paras sa kanyang debut game sa torneo. “As everyone knows here, this is my fourth college so I’m just thankful for coach Bo and the whole UP community for giving me basically a third chance not just in basketball but in life.”

Kapos ang 21 points na hatid ni Val Chauca, 17 ni Ap Manlapaz, 14 ni Lenda Douanga, at 13 puntos mula kay Jerom Lastimosa sa mga basketbolista ng San Marcelino na nahulog sa 2-2 para sa fourth slot.

Angat sa 2-1 ang marka ng UP habang 2-2 naman para sa Adamson.

Ang iskor:

UP 83 — Paras 20, Akhuetie 18, Ju. Gomez de Liano 12, Murrell 6, Rivero 6, Spencer 6, Webb 6, Manzo 4, Ja. Gomez de Liano 3, Tungcab 2, Gob 0, Jaboneta 0, Mantilla 0, Prado 0. ADAMSON 82 — Chauca 21, Manlapaz 17, Douanga 14, Lastimosa 13, Ahanmisi 7, Magbuhos 4, Camacho 2, Flowers 2, Mojica 2, Fermin 0, Yerro 0, Zaldivar 0.

Quarters: 18-20, 25-41, 52-50, 73-73, 83-82. (Janiel Abby Toralba)