Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Paras sokpa sa PBA draft

0 208

Ekslusibong binahagi ni PBA Commissioner Willie Marcial na sasampa na sa 36th PBA Rookie Draft 2021 si Andre Paras.

Sa panayam kay Marcial sa ‘Sportalakan’ ng Abante News Online, sinabi ni Marcial na kanyang nakausap si Paras nitong Lunes kung saan personal na nagpasa si Paras ng kanyang draft application sa tanggapan ng liga sa Bagumbayan, libis, Quezon City.

“Kanina kausap ko si Andre Paras, kasama si Benjie Paras… so nag-apply si Andre kanina,” saad ng pro league boss.

Si Andre ay naglaro na para sa University of the Philippines Fighting Maroons sa UAAP, sa AMA University sa PBA D-League at sa Imus Bandera sa MPBL.

Ang kapatid naman niyang si Kobe Paras ay nasa UAAP pa para rin sa UP. (Ray Mark Patriarca)

Leave A Reply

Your email address will not be published.