Abante Tonite Interactive

Paras, UP tatapusin agad ang Uste

222

Laro ngayon: (Smart Araneta Coliseum)
4:00pm — *UP vs UST
(* twice-to-beat advantage)

Sasamantalahin ni Kobe Paras at ng University of the Philippines (UP) Fighting Maroons ang twice-to-beat ­advantage nila sa stepladder semifinals kontra University of Sto. Tomas (UST) Growling Tigers alas-4 ng hapon sa 82nd UAAP men’s basketball tournament sa Big Dome.

Inaasahang babalikwas sina Paras at ang Fighting Maroons sa pagkatalo kontra ­defending champs Ateneo Blue Eagles huling laro nila sa 2nd round ng elimination.

Isa si Paras sa sasandalan ng UP matapos gumawa ng 13 points at 7 rebounds sa huling bakbakan.

Aagapay rin sa produksyon sina Javi Gomez De Llano at Nigerian center na si Bright Akhuetie na kumana ng tig-11 markers.

Ayaw namang ma­ging kampante ni UP coach Bo Perasol kahit may win-once advantage sila kontra UST.

“Well, I told them that we have to honor our position by prepa­ring ­really hard, because while it is true that nandyan na kami sa posisyon na ‘yan, it’s not a sure thing that we’re going to the Finals. Again, as I’ve said, whoever wins that playoff game is going to be a very strong team,” pahayag ni coach Perasol. (Aivan Episcope)