Abante Tonite Interactive

‘Parasite’ humahakot ng award

462

Ang South Korean film na “Parasite” ay patuloy na nagbibigay ng malaking karangalan sa film industry ng South Korea.

Pagkatapos ng world premiere nito last year sa Cannes Film Festival, ito rin ang kauna-unahang Korean film na nanalo ng Palme d’ Or.

Nakatanggap din ito ng anim na nominasyon sa 92nd Film Academy Awards. Ito ang kauna-unahang Korean film na nakatanggap ng nominasyon sa mga naturang kategorya.

At kahapon lang, January 20, nanalo ang “Parasite” ng Outstanding Performance by a Cast in a Motion Picture sa 26th SAG (Screen Actors Guild) Awards. Ito ang very first foreign language na nagwagi.

Si Song Kang So ang nag-deliver ng acceptance speech on behalf of the actors. Ayon dito, “I think ‘Parasite’ is a story about how to live life. After receiving such a meaningful ensemble award, it makes me think that we made a pretty good movie. I’m honored to receive the award in front of big actors who I admire so much, and I’ll remember this beautiful memory forever.”

Ang mga um-attend sa SAG Awards ay sina Lee Sun Gyun, Choi Woo Sik, Park So Dam, Lee Jung Eun at ang director na si Bong Joon Ho. Hindi rin maitago ang kaligayahan sa award na natanggap nila.

Ngayon pa lang, matunog na mananalo rin sila sa 92nd Academy Awards na gaganapin sa February 9.