Abante Tonite Interactive

Paratang na balimbing, unfair — Ping

550

Uumalma si Senador Panfilo ‘Ping’ Lacson sa mga nagpaparatang sa kanya na siya ay balim­bing o hindi maintindihan ang kanyang posisyon.

Sinabi ni Lacson na anuman ang magiging tingin sa kanya ng iba ay palagi niyang inilalabas kung anuman ang opi­n­yon o paniniwala niya sa isang isyu.

“When I need to call out the President I do it. And when I need to support whatever advocacies he has, I also do so and I openly express myself. No matter how my own critics are saying na balimbing, di maintindihan ang position,” saad ni Lacson.

“Ang problema kasi ang divisiveness sa bansa natin has become too deep,” dagdag nito.

“Hindi ba puwedeng doon tayo sa whethe­r tama o mali ako? At least pinaniniwalaan kong tama doon ako papunta, and that’s my call.

But to accuse me of being magulo and ‘di malaman ang position, balimbing, and so forth, that is also unfair, giit pa ng senador. (Dang Samson-Garcia)