Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Magnolia didiskarte sa bubble practice

0 215

Kanya-kanyang hanapan ng lugar na pagpapraktisan ang 12 PBA team kapag pinayagan na.

Maaari pang manatili ang ballclubs sa lugar sa labas ng NCR-Plus, pero manggagaling na sa sariling bulsa ang gastusin.

“Nasa kanila ‘yun, if they can make arrangements,” komento Lunes ni Rene Pardo, ang long-time representative ng Magnolia Pambansang Manok sa PBA Board. “Kanya-kanyang teams or players na ‘yun, if they want to stay there. Kanya-kanyang gastos.”

Pumayag nitong ang Batangas City na i-host ang training bago ang umpisa ng 46th PBA season, posibleng sa mid-June.

Nakausap nina commissioner Willie Marcial at Ginebra governor Alfrancis Chua sina Batangay City mayor Beverley Dimacuha at Congressman Marvey Marino. Nasa imas maluwag na GCQ ang buong Batangas province.

Pero klinaro ng liga na matutuloy ang practice at training kapag tumango ang IATF sa letter of request ng PBA.

Hinirit ni Marcial na hindi ‘bubble’ ang training sa kanyang hometown Batangas City. Uwian ang players pagkatapos ng practice sessions.

Du’n sa closed circuit o home-practice-home format ang Hotshots kapag may green light na.

‘Balikan ‘yun,” giit ni Pardo. “Masyadong magastos kung i-ho-hotel. Affordability ang pinoproblema namin sa PBA. Tulad sa Pampanga (bubble) na naka-hotel, walang labasan. Papakainin mo siyempre ‘yun, board and lodging. Nandiyan pa mental strain na mawalay sa pamilya mo.” (Vladi Eduarte)

Leave A Reply

Your email address will not be published.