Abante Tonite Interactive

Pardon ni Digong hiling kay Dennis

1,556

Hindi siya killer, nagmahal lang!

Nina: Roldan Castro at Rona Ronda

Hinatulan ng habambuhay na pagkakakulong o reclusion perpetua ang dating aktor na si Dennis Da Silva. Ito’y sa 15 bilang na panghahalay umano na ginawa sa menor-de-edad.

Ang kanyang naging biktima ay ang 14 na taong gulang na anak ng dating ka-live in na si Marilyn Paz.

Bukod pa dito ang apat na taon, ­dalawang buwan at isang araw sa kasong child abuse sa biktima.

Halos labing-pitong taon na siyang ­nakakulong sa Pasig City Jail.

Hindi makapaniwala ang kampo umano ni Dennis sa desisyon ng korte. Iaapela raw nila ito.

Lumalabas umano na mas masama pa si Dennis kesa sa isang politician na ­nahatulang pumatay.

Naawa rin ang concert producer na si Joed Serrano sa hatol ng kanyang ­kasamahan sa ‘That’s Entertainment”.

“Sana i-review ulit ang kaso niya at ­bigyan ng pardon ni President Rodrigo Duterte,” deklara niya nang ­makatsikahan namin sa presscon ng concert ng ­ABBAMANIA The Concert Tour na nagsimula kagabi sa New Frontier Theater, Mapapanood din sila sa February 13 sa Aquino Center, Tarlac City, February 14 Sa The Tent, Solaire Resort Manila, February 15 Lausgroup Event Centre San Fernando Pampanga.

Ayon pa kay Joed, nagkasala man si ­Dennis ay 17 years na raw nito ­pinagdusahan sa kulungan. 47 na raw ngayon si Da Silva at sana’y magkaroon ng chance na makapiling pa nito ang mga anak niya kesa mabulok sa kulungan.

“Hindi naman siya pumatay ng tao. Nagmahal lang siya,” sambit pa ng producer-actor.

Maraming nanghihinayang sa dating matinee idol na sumikat noong 1980’s. Dati siyang miyembro ng That’s Entertainment at gumanap sa ilang pelikula. Kilala siya bilang ex-boyfriend ni Ruffa Gutierrez.

Panghihinayang ang reaksyon ng mga netizen na nakasaksi sa dating kasikatan at katikasan ng aktor. Nahahawig pa nga raw siya sa singer na si Ricky Martin.

Komento ng mga netizen,

@Ferdz Salud, “School mate ko dati to sa Aquinas sa San Juan noong ­elementary ako at nasa high school na siya. May pagkamayabang sa personal ‘yan dati. So I’m not surprised na nakulong siya. Sinayang niya buhay niya.”

@Jingjing C. Lim, “Omg! Cutie, cutie ito dati…he was once compared to Ricky Martin ka may resemblance sila lalo na pagmagsmile…sad news…”
@Shelle O Michelle, “Dating boylet ni Ruffa Gutierrez guwapo nito nu’ng araw.”

@Paulo Potchoy Elizalde, “First BF ni Ruffa when she was 16 they made a movie under Regal at imbyerna si Annabelle Rama “Dhay Ruffa hiwalayan mo ‘yan guwapo lang ‘yan pero patay gutom wala ‘yang ipapakain sa ‘yo Dhay.”