Abante Tonite Interactive

Pare muling sasandalan ng St. Clare

275

Maglalaban para sa huling ticket ng 9th PBA D-League 2019 Finals ang Saint Clare College-Virtual Reality at Centro Escolar University mamayang alas-4 ng hapon sa Ynares Sports Arena sa Pasig.

Isang pagkakataon para sa SCC-VR na gumawa ng kasaysayan at patunayan sa lahat na kabilang sila sa magandang basketball program sa mga eskuwelahan sa bansa.

“Pangarap talaga na­ming makaabot sa Finals kasi di pa namin narara­ting yun,” sabi ni Saints coach Jino Manansala.

Napuwersa ng Saint Clare ang deciding Game Three ng semifinals nang dominahin ang Scorpions nitong Huwebes, 84-50 sa likod ng dambuhalang laro ni Malian center Mohammad Pare, may 17 points at 15 rebounds.

Umaasa rin si Manan­sala na mararamdaman ang pana­nalasa ng kanyang mga guard na sina Junjie Hallare, Joshua Fontanilla at Irven Palencia para makatuwang ng Malian slotman. ­(Fergus Josue, Jr.)