Abante Tonite Interactive

Pare, St. Clare asinta ang finals kontra CEU

180

Mga laro ngayon: (Paco Arena, Manila)
1:30 p.m. – Marinerong Pilipino vs TIP
3:30 p.m. – BRT Sumisip- St. vs CEU

Walang sasayanging pagkakataon si Mohammed Pare upang muling rendahan ang BRT Sumisip Basilan-St. Clare sa pag-sweep sa Centro Eescolar University mamayang alas-3:30 ng hapon sa 9th Philippine Basketball Association Developmental League Foundation Cup 2019 best-of-3 semis Game 2 sa Paco Arena sa Manila.

Nitong Huwebes lang, kumatok na sa Finals ang Saints nang pitpitin ang Scorpions, 86-70, sa likod ng 19 points at seven rebounds ni Malian center Pare para sa 1-0 lead.

Ayaw ni Stevenson Tiu na magkaroon pa ng winner-take-all na peligroso sa kanila, baka masilat pa.

“Gusto na namin tapusin para maka-Finals ulit. Pero sinasabi ko, one game at a time,” pahayag ng St. Clare coach “Gusto nila ring makabawi sa CEU dahil na out sila (semis loss) last conference. Yun yung challenge sa kanila.”

Natambakan man, may mga sandata naman ni CEU coach Frederick ‘Derrick’ Pumaren para makahirit.

Dapat lang sumingasing sina Senegalese big man Malick Diouf at Rich Guinitaran dahil amoy na nila ang galaw ng Saints.

“We cannot be intimidated,” paalala ni coach Pumaren sa mga batang manlalaro niya upang hindi maandap sa Saints at sa former D-League champion gaya nina Alfred Batino at Hesed Gabo. (Aivan Denzel Episcope)