Abante Tonite Interactive

Pareho ng istilo ko si Davis – Abdul-Jabbar

0 541

Sa #AskKareem sa Twitter, tinukoy ni NBA great Kareem Abdul-Jabbar na nakikita niyang pareho sila ng estilo ng laro ni current Lakers star Anthony Davis.

May nagtanong kay Abdul-Jabbar:

“Who would you say in today’s game mostly emulates your style of play.”

Maliban aniya sa long distance shooting, si Davis ang katulad niyang maglaro.

“Anthony Davis is the player that I mostly resemble but I never shot 3 pointers like he does. However all other aspects of his game are similar to mine,” sagot ni Abdul-Jabbar.

Mula sa dating mukha ng Showtime Lakers, malaking bagay na tukuyin niya si Davis.

Pero hindi naman kailangang maging eksperto ang isang ordinaryong fan para mapansin na wala kay Davis ang skyhook ni Kareem.

Meron kay Davis ang back-to-the-basket play, may ball handling at jumper.

Signature move ni Abdul-Jabbar ang skyhook, na-perfect niya.

Maraming gumagaya, pero iba ang pagka-suwabe ng pitik ni Abdul-Jabbar.

Sa kanyang skyhook kinolekta ni Abdul-Jabbar ang bulto sa naipon niyang 38,387 points sa buong career – all-time leader sa NBA.

Six-time champion si Kareem, record six-time MVP at 19-time All-Star.

Mahaba ang galamay ni 7-foot-2 Abdul-Jabbar. Si Davis ay nakalistang 6-10. (VE)