Abante Tonite Interactive

FIBA | Parehong lineup ni Chot vs. Chinese Taipei

By
12

Ang 12-man lineup ng Gilas Pilipinas na suma­gupa sa Japan ang gaga­mitin din ni coach Chot Reyes laban sa Chinese Taipei.

Noong Biyernes ay tinalo ng Filipinos ang Japan 77-71 sa Komazawa Gymnasium sa Tokyo.

Alas-7:30 ng gabi mamaya, ihu-host naman ng Gilas ang Chinese Taipei sa ‘home’ game ng 2019 FIBA World Cup Asian qualifiers sa Smart Araneta Coliseum.

Galing naman ang Chinese Taipei sa dambuhalang 104-66 loss sa Australia sa first window din ng qualifers.

“The team that will play against Chinese Taipei is the same that played versus Japan,” ani team manager Butch Antonio.

Muling pangungunahan nina Jayson Castro at Andray Blatche ang roster ni Reyes mamaya.

Kontra Japan, tumabo si Castro ng 20 points, se­ven rebounds at six assists si Castro, may six turn­overs si Blatche pero tumapos ng 13 points, 12 rebounds, five assists, three steals at three blocks.

Makakasama ng da­lawa sina June Mar Fajardo, Gabe Norwood, Japeth Aguilar, Calvin Abueva, Troy Rosario, Roger Pogoy, Allein Maliksi, Matthew Wright, Kiefer Ravena at Kevin Alas. ()