Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Parents ni Mikee namanhikan na kay Alex

0 665

NI: ROLDAN CASTRO

Kahit nasa pandemya tayo ay tuloy pa rin ang planong pagpapakasal nina Alex Gonzaga at Mikee Morada .

Ibinahagi ng aktres-tv host ang pamamanhikan ng mga magulang ng boyfriend sa kanyang vlog

Naganap ang “Pamamanhikan 2020” sa bahay ng mga Gonzaga sa Taytay, Rizal.

Nandoon din sina Toni Gonzaga at direk Paul Soriano kasama ang baby nilang si Seve.

“Malapit na po kaming magka-isang dibdib,” deklara ni Alex. “At finally, mami-meet na niya ang walwal ng Taytay. Pagkapatay ng ilaw, talagang walwalan na ‘to,” sey pa niya na nagbibiro.

Kini-claim na rin ni Alex na taga-Batangas na siya kung saan dun naging opisyal si Mikee.

“Mga taga-Lipa, kumusta ho kayo? Ako na po ang bago n’yong kababayan,” bulalas niya,

Kaaliw rin ang deklarasyon ni Alex kay Mikee, “makikita mo na ang Yamashita Treasure ng Taytay. Sa gabing ‘yun, talagang masasabi ko sa ‘yo, isa ka sa pinagpala.”

Wala pang sinasabi ang magdyowa kung kailan ang exact date ng kanilang kasal.

Leave A Reply

Your email address will not be published.