Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Pari na bet maging mayor sinuspinde ng CBCP

0 71

Permanente nang sinuspinde ng Catholic Bishop of the Philippines (CBCP) ang clerical duties ng isang pari na kumandidto sa pagka-alkalde sa isang bayan sa Camarines Sur sa darating na halalan sa Mayo, 2022.

Nabatid kay Camarines Sur Bishop Jose Rojas, si Fr. Granwell Pitapit ay lumabag sa Canon Law, na nagsasaad na ang mga pari ay hindi maaaring masangkot sa politika, kaya ito sinuspinde.

“Such suspension is deemed irreversible, thus preventing him permanently from returning to the priestly ministry,” pahayag pa ni Rojas sa isang circular na may petsang Oktubre 22.

Sanhi nito, si Pitapit ay hindi na rin maaaring lumahok sa mga social action programs ng diyosesis.

Sa kabila nito, si Pitapit ay may mandato pa rin na sundin ang kanyang priestly vows gaya ng celibacy. (Juliet de Loza-Cudia)

Leave A Reply

Your email address will not be published.