Abante Tonite Interactive

Pari na nanakit ng bata pinatalsik sa puwesto

249

Natanggal na sa puwesto ang parish­ priest ng Nativity of Mary Church sa Brgy. Canduman, Mandaue City na nanakit ng menor de edad.

Kinumpirma ni Cebu Archbishop Jose Palma na hindi na makakapagsilbi bilang parish priest ng nasabing parokya si Father Decoroso Olmilla, 61, matapos itong maaresto dahil sa umano’y panana­kit sa 15-anyos na anak ng cook sa kumbento matapos hindi agad na masunod ang utos nito.

Hindi lamang umano isang beses na pinalo ni Olmilla ang menor de edad ayon sa ina nito.

Pansamantalang papalitan ni Msgr. Danilo Sanico si Olmilla, ngunit nilinaw ni Palma na kahit na-relief ito sa parokya, makakapagsilbi pa rin si Olmilla sa mga regular na duty nito bilang pari.