Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Pari na-trauma, kaso nganga pa

0 152

Dumaranas umano ng matinding trauma si Most Holy Rosary Parish priest Fr. Leoben Peregrino matapos siyang matagpuan habang nakagapos ang leeg at mga kamay sa loob ng kanyang sasakyan sa Silang, Cavite noong Linggo.

Dahil dito kung kaya’t wala umanong makatas na impormasyon ang pulisya para umandar ang imbestigasyon sa kanyang pagkawala simula noong Biyernes.

Ayon kay Joel Peregrino, nagkamalay na kahapon ng umaga sa De La Salle University Hospital ang kanyang kapatid na si Fr. Leoben Peregrino matapos itong isugod dito noong Linggo dahil sa pagka-tulala at panginginig sa matinding takot.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Gayunman, hindi pa rin umano ito makapagsalita at namamalagi lang na tulala.

Kumbinsido ang pulisya na matinding trauma ang tumama kay Fr. Peregrino ng Most Holy Rosary Parish Church sa Rosario, Cavite kaya hindi pa ito maka-recover.

Natagpuan ang pari sa loob ng kanyang kulay puti na Mitsubishi Adventure na may plakang VES 47 sa Brgy. Lumil sa Silang, Cavite bandang ala 1 ng tanghali. Umalis ito sa parokya ng alas 9 ng umaga noong Biyernes para bumili ng kandila sa Imus pero hindi na ito nakauwi.(Gene Adsuara)

Leave A Reply

Your email address will not be published.